PLATFORMS
CORE LEGISLATIVE AGENDA
Job & Income Security—sapat na trabaho at sahod na nakabubuhay.
Food Security—pagkain sa bawat mesa.
Worker’s Health—kalusugan ng manggagawa.
Social & Economic Protection for Media & Entertainment Workers, Creatives, & Content Creators—para matiyak ang ganap na kalayaan sa pamamahayag.
WALANG KAPAMILYA ANG MAGUGUTOM
Food Subsidy para sa formal workers na apektado ng pansamantalang pagsasara ng mga kompanya dahil sa pandemya at kalamidad: may unyon man o wala.
Income Security & Financial Subsidy para sa contractual workers para muling makapag-apply matapos ma-endo, kasama ang gastusin para sa requirements, pamasahe, pagkain habang naghahanap ng trabaho.
Social Safety Nets para sa construction workers para tiyakin ang mga benepisyong dapat ibigay ng employers sa bawat kontrata, kasama ang pagbabayad sa SSS, Philhealth, Pag-ibig, at full insurance coverage, bago makakuha ng permit to operate ang construction companies.
Job Security para siguruhin ang katiyakan sa trabaho ng mga manggagawa at ang pagkain sa hapag ng bawat Kapamilyang Pilipino.

WALANG KAPAMILYA ANG MABABAHALA SA KANILANG KALUSUGAN
Efficient COVID Response. Libreng testing para sa COVID, sapat na ayuda sa mga nawalan ng trabaho at maliliit na negosyo, income at food subsidy sa mga tatamaan ng sakit, maayos na isolation centers, at mas mabilis na roll-out ng bakuna.
Expanded Primary Health Care Program. Mas malawak na pangangalaga sa batayang kalusugan ng mga komunidad; libreng laboratory tests sa manggagawa at kanyang pamilya upang matiyak ang pagtukoy ng sakit at malapatan ng angkop na lunas; pagpapalawig ng tuloy-tuloy na suplay ng libreng gamot sa karaniwang sakit tulad ng hypertension, diabetes, TB, etc.
Kapamilya PWD Subsidy sa magulang o miyembro ng pamilya na mayroong inaalagaang
PWD (persons with disability) na hindi na nakapagtrabaho dahil nakatuon ang panahon sa pag-aalaga sa pasyente.
Expanded Reproductive Health Program sa mga kababaihan (pre and post-natal, laboratory tests, papsmear, family planning, etc.).

WALANG KAPAMILYA ANG MAWAWALAN NG TRABAHO
Community-based Economic Development Programs kasama ang pagtatayo ng kooperatiba ng mga manggagawa na mamamahala sa mga programang pangkabuhayan sa komunidad tulad ng livelihood projects, micro-business enterprise, community-based business, batay sa economic fundamentals ng mga pamayanan.
WALANG KAPAMILYA ANG MAWAWALAN NG TAHANAN
Public Rental Housing para sa mga manggagawang nangungupahan, mga taga-probinsya na nagtatrabaho sa lungsod.
​
Workers’ Housing Program para sa abot-kayang pabahay para sa mga manggagawa kasama ang pondo para maging katuwang ang mga may-ari ng pagawaan at negosyo sa pagtatayo ng pabahay para sa kanilang manggagawa.

WALANG KAPAMILYA ANG MAWAWALAN TUBIG AT KORYENTE
Koryente. Tanggalin ang bayarin sa system loss na sinisingil ng mga kumpanya sa koryente. Hindi ang mga consumer ang magliligtas sa pagkalugi ng mga negosyante.
​
Tubig. Dapat pakinabangan ng mga consumer ang environment charge at hindi na dapat sinisingil sa tao ang bayad sa pag-aayos ng septic tank, sewage leak, excavation work at alisin na ang sistemang sub-meter dahil bayad na ito ng consumers.
WALANG BATA AT SANGGOL ANG 'DI MAKAKATANGGAP NG KALINGA NG KAPAMILYA
Community Baby Care Centers. Ito ay programa na mangangalaga sa mga batang ipinanganak pa lamang bilang suporta sa mga kababaihan, partikular ang mga nanay na katatapos pa lamang manganak, sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Baby Care Centers sa komunidad at workplaces. Dito aalagaan ang mga batang may edad 1-3 years old upang makabalik sa trabaho o pinagkakakitaang hanapbuhay ang mga nanay.

WALANG KAPAMILYA NA MAPAGKAKAITAN NG KALAYAAN NA MAGPAHAYAG
Kalayaan sa Pamamahayag at Media. Itataguyod ng Kapamilya ang malayang pamamahayag. Itataguyod ng Kapamilya hindi lang prangkisa ng ABS-CBN, kundi ang pagbibigay ng prangkisa sa iba pang estasyon o network, lalo na iyong mga nasa rehiyon, sa interes ng malayang pamamahayag, at sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon at aliwan.
​
Media Workers’ Safety Standards. Gamit ang best practices ng mga kompanya ng broadcast media at entertainment sa kasalukuyan, isusulong ng KAPAMILYA ang kagalingan at kaligtasan ng media workers, kasama ang oras sa trabaho, suweldo, benepisyo, at job security, gaya ng iba pang manggagawa sa ibang industriya. Isusulong din ng Kapamilya ang social at economic protection para sa independent media workers, creatives, at content creators.