PRESS STATEMENT
- Kapamilya Partylist
- Mar 5, 2022
- 1 min read
Updated: Mar 7, 2022
HUWAG BABUYIN ANG PARTY-LIST SYSTEM
Sinusuportahan ng KAPAMILYA Party-list ang panawagan ng Kontra Daya na i-fact-check, imbestigahan, at i-expose ang mga party-list na ginagamit lang ng mga tradisyonal na politiko, malalaking negosyante, at ng mismong gobyerno para makakuha ng puwesto sa Kongreso.
Ayon sa Kontra Daya, 120 sa 177 party-list na kumakandidato sa kasalukuyan ang may koneksiyon sa mga dinastiyang politikal, malalaking negosyo at incumbent local officials; at ang mga nominees ay may mga pending na kasong kriminal.
Kabilang sa mga party-list na ang mga nominees ay sangkot diumano sa korapsiyon, ayon sa Kontra Daya, ay ang ACT-CIS, Wow Pilipinas, 4Ps, at BHW. Ang iba, tulad ng Duterte Youth ay konrobersiyal dahil ang mga nominees nito ay gurang na at hindi talaga nirerepresent ang mga kabataan.
Naniniwala kami na ang orihinal na layunin ng Party-list System ay bigyan ng pagkakataon ang mga maralitang sektor na makilahok sa pamamahala. Pero sinalaula ito ng mga party-list na tumatakbo hindi para maglingkod sa maralita, kundi para sa sarili nilang interes.
Nananawagan kami sa mga Kapamilya at sa buong sambayanang Filipino na huwag iboto ang mga party-list hindi tunay na maglilingkod sa interes ng mga maralita. Nananawagan din kami sa COMELEC na sipain ang mga fake na party-list para mabawasan ang mga trapo, political dynasties, at kinatawan ng malalaking negosyante sa Kongreso.
Isusulong ng KAPAMILYA ang reporma sa Party-list system na sinalaula na nang husto ng mga ganid na politiko.
101KAPAMILYA

Comments